Iba’t ibang paraan ng paghalik

Iba’t ibang paraan ng paghalik

October 17, 2018 @ 7:34 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dahil napag-usapan na ang benepisyo sa paghalik, paano nga ba malalaman kung anong uri ng paghalik ang swak o yung naranasan mo na?

Inilista naming ang iba’t ibang uri ng halik at lebel nito depende sa libog na iyong mararanasan.

LEVEL 1

Friendly kiss / cheek cheek lang muna

– Ito yung halik na pang-imbita sa taong hahalikan mo. Ang friendly kiss ang ay simplehang dampi ng labi sa pisngi ng iyong ka-partner. Ito yung sinasabi nilang nanliligaw stage.

Smack / kiss and run

– Kung may mga taong eat and run, meron ding kiss and run. Ito yung smack kiss tapos sabay takbo. Ang mga gumagawa nito ay ang mga nagnanakaw ng halik. Wala pang segundo kung gawin ito dahil nga mabilisan lang na dampi ito sa labi ng iyong ka-partner.

Nose/ forehead/ hand kiss

– Isa itong paraan ng pagpapakita ng respeto o paggalang sa partner. Pero depende pa rin ng paraan ito ng paghalik dahil pwedeng indikasyon din ito ng libog. Kung simpleng dampi lang ng bibig o may kasama nang pagdila. Nasa sa iyo na ang paggamit, basta sa tamang panahon para hindi ka masampal ng iyong partner.

LEVEL 2

Single lip kiss.

Isang uri ng halik na kung saan ang unang hinahalikan ay ang itaas o ibabang labi. Ito yung mga tipong patikim pa lang o kung sa meal course ay appetizer sa intercourse.

Spiderman kiss

Katulad ng sa palabas na Spider Man, tinatawag itong “kissing upside down” o paglalapat ng itaas na bahag ng labi sa ibabang bahagi ng labi ng kanyang ka-partner. Hindi mo naman kailangang maglambitin nang patiwarik para gawin ito, pero pwede mo itong gawin kung nakahiga ang iyong partner. May kakaiba kasi itong pakiramdam dahil nga baligtaran kayo.

 

LEVEL 3

Lingering kiss

Ito yung mga panmpelikulang halikan. Matagal na halikan ito pero hindi bubuka ang bibig. Dapat maging expert ka muna dito lalo na kung gusto mong ma-excite ang iyong partner.

Teaser kiss

Nagsisimula ang paghalik na ito mula sa noo, pababa ng ilong hanggang sa maglapat ang inyong mga labi na para bang hinahagod mo muna ang buong mukha niya. Kailangan maramdaman niya yung affection para pagdating mo sa labi, mararamdaman mo ang kakaibang tension sa paghalik nya dahil sa excitement.

LEVEL 4 – Pangmalakasan ito. Hindi dapat ito ginagawa sa pampublikong lugar kung ayaw ninyong mag-viral sa internet.

French kiss

Kilalang-kilala ito ng mga expert sa halikan. Ito yung literal na kainan version ng ‘lingering kiss’. Ito yung pakikipaghalikan na kumikilos ang labi at maging dila. Dapat magaling ka dito dahil kailangan ng ritmo nito ay sinasabayan din ng iyong partner.

Pressure kiss

Kadalasan ay ito ang uri ng halik na ginagawa ng mga taong napalayo ng matagal. Makararamdam ng mas madiin ng halik kumpara sa ibang uri ng halik.

Throbbing kiss

Ito ang uri ng halik na kung saan hindi na nakokontrol ng tao ang kanilang sarili dahil sa matinding bugso ng damdamin.

(Remate News Team)

Source:  Private Nights