Iba’t ibang programa sa cancer awareness, inilatag ng Las Piñas LGU

Iba’t ibang programa sa cancer awareness, inilatag ng Las Piñas LGU

March 10, 2023 @ 12:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa pangunguna ng City Health Office (CHO) ay inilatag ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang iba’t ibang programa na magtataguyod ng cancer awareness na napapanahon sa selebrasyon ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na kaugnay sa National Women’s Month ay nag-aalok ang CHO ng libreng Zumba classes sa 350 kababakihan ngayong Biyernes (Marso 10).

Kasabay nito ay nagsagawa din ang CHO ng libreng breast examinations, chest x-ray at cervical cancer screening para sa maagang pagtutuklas ng sakit na ginanap sa CAA Multipurpose Hall nitong Miyerkules (Marso 8).

Sinabi din ni Aguilar na ang mga naganap na aktibidad ay bahagi ng pagbibigay ng kahalagahan sa mga Juana sa lungsod kaugnay sa selebrasyon ngayong taon ng National Women’s Month.

Ayon pa kay Aguilar, ang pagsisimula ng seremonya ng Women’s Month noong nakaraang Biyernes (Marso 3) ay ginanap sa Verdant covered court sa Pamplona 3 na pinangunahan ni Vice-Mayor April Aguilar at City Social Welfare and Development (CSWD) officer-in-charge Lowefe Romulo.

Dagdag pa ni Aguilar, kabilang sa ilan pang inihandang aktibidad ng lokal na pamahalaan ay ang wellness program, pagtatanghal ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) livelihood products, at ang pagbibigay ng gantimpala sa mga makapangyarihang Juanas. James I. Catapusan