Manila, Philippines – Pinapayagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang freedom of expression kasama ang pagpapahayag niyang makapagsagawa ng rally ang iba’t ibang grupo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 23.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go na hindi na haharapin ng Pangulo ang mga anti- Duterte protesters habang hindi pa matiyak kung makikisalo ang Pangulo sa maliit na salo-salo ng mga pro-administration group.
Samantala, kinumpirma ng opisyal na magsasagawa sila ng final rehearsal ng Pangulo sa kanyang talumpati bukas ng gabi sa Malakanyang.
Tumanggi naman si Go na maglabas ng detalye ng laman ng ulat ng pangulo sa bayan pero tiniyak niyang kabilang dito ang pagtupad sa mga ipinangako niya at ang mga plano sa susunod na 365 days. (Kris Jose)