Ibat-ibang uri ng droga nasabat ng BOC

Ibat-ibang uri ng droga nasabat ng BOC

October 11, 2018 @ 6:04 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P14.629 milyong halaga ng ibat-ibang uri ng droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BOC, naka-consign sa isang Johnmel Natividad ng Sta.Isabel Caloocan City ang unang parcel na naglalaman ng  2,329 na gramo ng cocaine at may street value na P12.345 milyon na mula sa isang Thiago F. Paulo ng Sao Paolo, Brazil.

Humigit kumulang sa 204.9 gramo ng shabu na itinago sa mga baby dress at birthday card, galing sa United Kingdon, ang isa pang kargamento na naka-consign kay Joy Bido Marieo ng Dasmariñas, Cavite at nagkakahalaga ng P1.43-M.

Umaabot naman sa halagang P850,000 ang huling parcel na naglalaman ng 500.42 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na naka-address sa isang  Raven Delosa ng Quezon City na mula pa California, USA.

Ayon sa BOC, mula Abril hanggang Oktubre ay umabot na sa 27 drug bust ang kanilang naisagawa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)