IBIGAY KAY BF ANG DPWH!

IBIGAY KAY BF ANG DPWH!

July 14, 2018 @ 5:56 PM 4 years ago


NAIINIP, NAIINIS AT NALULUNGKOT si Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE sa mabagal na takbo ng kanyang mga progra­ma, partikular ang kanyang “Build, Build, Build” infrastructure project  para sa buong bansa.

Nasabi niya ito sa kanyang pahayag sa Mindanao kamakai­lan at nagsabing hindi siya magdadalawang isip na papanagutin ang kanyang mga kalihim sa sandaling nakita niya ang bagal at kawalan ng mahusay na operasyon ang kanilang mga ahensya.

Pero mariin ang kanyang sinabi tungkol sa DPWH at kay Secretary Mark Villar. Sa sandaling lumabas ang kanyang pag-aaral sa mga proyekto at nakitang halos wala pang natatapos, sobrang bagal at wala sa tamang kalidad, sibak ka!

Wala tayong masamang tinapay kay Secretary Villar pero ang inilabas ng Commission on Audit ay masakit na totoo. Ang laki ng budget pero halos hindi magalaw dahil walang malinaw na plano ang ahensya.

Isama pa ang pagsasamantala ng mga sindikato ng lupa katulad ng natuklasan sa Mindanao at Visayas, nauubos ang pera hindi sa kontratang imprastraktura kundi sa katiwalian at korapsyon!

Alam natin na ayaw ni Pangulong DUTERTE ang anomang suhestyon pero tayo mismo ay nababahala rin sa bagal ng paggawa ng kanyang “Build, Build, Build” projects. Kung hindi maagapan, baka tapos na ang termino ninyo, Mr. President, puro kanto’t sulok pa rin ang mga poste na nakatayo!

In view of this, may I respectfully suggest and strongly re­commend that you appoint Marikina Congressman BAYANI FERNANDO. Si BF po ay mahusay, maasikaso at alam ang imprastraktura dahil siya ay isang inhinyerong de-kalidad.

Noong hawakan niya ang MMDA, malaki ang iginanda ng Metro Manila. Napaganda rin niya ang Marikina City bilang dating Mayor noon. Give him the best support you can and I assure you Mr. President that Congressman FERNANDO will deliver the best in your “BUILD, BUILD, BUILD.”

Majority in the DPWH are perceived to be corrupt. Almost all officials are involved thru their regional directors who are in cahoots with scrappy contractors and land syndicates. They will not pass BF’s eyes!

Most of the RDs are not capable of doing their job. It is their money that make them stay in their positions. Those were found out during the short stint of BF in DPWH during PGMA’s time. RDS failed their examination given by BF but they were fast to draw their money and booted BF out of the agency!

PRESIDENT, to meet the completion of your BUILD, BUILD, BUILD,give DPWH to Engr. BAYANI FERNANDO now! – BALETODO NI VERZOLA