IBINASURA ANG MGA MANGGAGAWA

IBINASURA ANG MGA MANGGAGAWA

July 14, 2018 @ 6:00 PM 5 years ago


IPINASA na ng Consultative Committee ang mungkahi nitong pag­babago sa 1987 Constitution upang gawing pederal ang siste­­ma ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga susunod na taon.

Ang pagbabago ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan na ang sistemang presidensyal na ma­tagal nang umiiral sa bansa.

Napansin ng karamihan sa mga mamamahayag ang tungkol sa pagpapabago ni Duterte sa “transitory provision” dahil ayaw ni­yang makinabang o sumali pa sa transition government sa pag­tatayo ng pamahalaang pederal.

Ngunit hindi napansin ang pagbabasura ng pangkat ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno sa mga probisyong nag­bibigay proteksyon sa mga manggagawa at naggagaran­tiya sa kanilang mga karapatan at kapakanan.

Idiniin ni Atty. Matula na tinanggal ang probisyon sa karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa, makipag-collective bargaining agreement at negosasyon sa kapitalista at maglunsad ng protesta laban sa kapitalista.

Sa madaling salita, binalewala ang mga manggagawa sa pa­nukalang pagbabago sa Saligang-Batas.

PAKIKIISA SA PAMBANSANG PAMAHALAAN AT MGA NEGOSYANTE

Kahit saang anggulo tingnan, wasto naman talaga na makipag­kaisa at makipagtulungan ang pamahalaang lokal sa iba’t ibang a­hensya ng pambansang pamahalaan at ng negosyante upang magkatulungan ang lahat sa pagbibigay solusyon sa napakara­ming suliranin ng bawat lalawigan, lungsod at bayan.

Kaya, tama ang plano ni Vice Mayor Ma. Josefina “Joy” Belmonte na makipagtulungan sa pambansang pamahalaang at priba­dong sektor kung siya na ang alkalde ng Quezon City simu­la Hun­yo 30, 2019.

Ayon kay Belmonte, “partnerships will be beneficial for us and if I become the mayor, gusto ko talaga to initiate more partner­ships with government agencies and with the private sector.”

“I think all our problems… in terms of poverty mitigation, housing, livelihood education…these can all be solved with pro­per partnerships with the private sector, the NGO sector, and with the public sector,” patuloy ni Belmonte.

Naniniwala si Joy na kailangan magkaroon ng inter-agency mu­la sa iba’t ibang sektor at stakeholders na siyang tututok sa samu’t saring suliranin ng lungsod, kabilang na ang kahirapan.

Totoo naman ang binabanggit ng bise alkalde na marami pa ring problema sa Quezon City kahit pinaghusayan na ni Mayor Herbert Bautista ang kanyang pamumuno sa lungsod simula noong 2010. Sapagkat hindi naman talaga natatapos ang mga su­liranin kahit hinuhusayan ng mga namumuno sa pamahalaang lokal dulot ng maraming bagay na nakadikit dito.

Bilang laking Quezon City, kaisa tayo sa ganitong magandang plano para sa ikauunlad ng Quezon City.   – BADILLA NGAYON NI NELSON BADILLA