IBP nakipagpulong sa US orgs para sa press freedom

IBP nakipagpulong sa US orgs para sa press freedom

August 28, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa mga organisasyon na nakabase sa Estados Unidos para talakayin ang mga paraan upang lalong maprotektahan ang press freedom sa Pilipinas.

Nakipagpulong kamakailan ang IBP sa mga opisyal ng American Bar Association-Rule of Law Initiative (ABA-ROLI), United States Agency for International Development (USAID), at mga non-profit organization.

Nakakalungkot anila ang sitwasyon ng mga media sa nakalipas na taon lalo na sa mga probinsya dahil sa pag red-tag at pag-atake sa mga journalists dahil lamang sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Sa ginanap na pulong natalakay ang mga hakbang para idepensa ang press freedom habang tinitiyak ang “accountability of journalists”.

Kabilang sa iminungkahi ang pagiging aktibo ng mga local media councils o press groups upang matulungan ang mga miyembro nito laban sa mga posibleng paglabag sa kanilang karapatan na gampanan amg tungkulin bilang media. Teresa Tavares