IC kinalampag sa pagtataas ng insurance rate

IC kinalampag sa pagtataas ng insurance rate

December 12, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinalampag ng isang kongresista ang Insurance Commission (IC) na ipagpaliban o kanselahin ang implimentasyon ng pagtataas ng Catastrophe Insurance Premium Rates.

Binigyang diin ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na hindi makatarungan at hindi napapanahon ang pagtaas ng Catastrophe Insurance Premium na tinatawag ding ” flood ang typhoon insurance ” na nakatakdang ipatupad sa Enero 1, 2023.

Sa kanyang House Resolution 632 sinabi ni Lee na dapat silipin ng Kamara ang sakop at epekto ng ipinalabas ng Insurance Commission (IC) na Circular Letter No. 2022-34 kung saan itaaas ang minimum at maximum catastrophe rates.

“The adjusted rates, which will take effect on January 1, 2023, are now diversified, as result, there will be a sudden huge increase in insurance premiums ranging from 40% to as high as 400%”paliwanag ni Lee.

Pinuna rin ni Lee na ang pagtaas sa insurance premium na ito ay tatlong beses na mas malaki sa kasalukuyang sinisingil na insurance na posible aniyang magsapanganib sa food security ng bansa.

Giit pa ng mambabatas na ang pagtaas ng Catastrophe Insurance Premium Rates ay may malaking epekto sa inflation, maliliit na negosyo maging sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

“Ang unang kawawa dito ay ang ating mga kababayan, ang mga OFW na naghahangad ng sariling bahay. Obligadong kuhanan ito ng insurance lalo pa at ito inutang sa bangko,” ayon kay Lee.

Sinabi ni Lee na bagamat nagkaroon ng kunsultasyon ang IC sa Philippine Insurers and Reinsurers Association, Inc. (PIRA), isang organisasyon ng non-life insurance companies sa bansa, ay dapat kasama din sa kinunsulta ang end-user consumer na syang direktang maapektuhan ng pagtaas ng insurance rates.

“The extent of the consultations conducted by the Insurance Commission is very limited. Several organized business groups and private firms expressed their strong opposition to the said policy in the absence of proper consultation considering the very high increase in insurance cost that can be detrimental to the general public,” paliwanag ni Lee.

Kabilang sa posibleng maipatawag sa imbestigasyon ng Kamara ay ang Commissioner ng IC na si Dennis Funa at iba pang sektor lalo na ang magsasaka at mga maliliit na negosyante. Meliza Maluntag/Gail Mendoza