ICC may hurisdiksyon sa Pinas para sa imbestigasyon ng mga krimen ‘gang Marso 17, 2019

ICC may hurisdiksyon sa Pinas para sa imbestigasyon ng mga krimen ‘gang Marso 17, 2019

August 9, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- May hurisdiksyon pa rin ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas upang imbestigahan ang umano’y mga krimen na isinagawa hanggang Marso 17, 2019 sa anti-illegal drugs war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Iginiit ng Center for International Law Manila (CenterLaw) na na-retain ng ICC ang hurisdiksyon matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakalas na ang Pilipinas sa ICC.

Sinabi ng CenterLaw na “though the Philippines withdrew from the Rome Statute effective 17 March 2019, the ICC retains jurisdiction over killings already committed.”

“The non-retroactive effect of withdrawal is provided for in Article 127 of the Rome Statute, and has been recognized by no less than the Philippine Supreme Court (SC),” dagdag nito.

Batay umano sa ruling sa kasong Sen. Pangilinan v. Cayetano, inihayag ng CenterLaw na humatol ang SC na ang ICC “retains jurisdiction over any and all acts committed by government until March 17, 2019, and hence, withdrawal from the Rome Statute does not affect the liabilities of individuals charged before the ICC for acts committed up to this date.”

Sinabi rin nito na sa ilalim ng Article 127 ng Rome Statute, “withdrawal shall not affect any cooperation with the [ICC] in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate.”

Kung kaya anito, sa kabila ng pagkalas mula sa Rome Statute, ang Pilipinas “still has the duty to cooperate with the ICC.”

Matatandaang noong Hunyo 24, inirekomenda ni ICC Prosecutor Karim Khan sa ICC Pre-Trial Chamber ang muling pag-imbestiga sa umano’y mga krimen na isinagawa sa drug war ni Duterte.

Naglabas naman ang ICC ng request sa pamahalaan ng Pilipinas na may petsang Hulyo 14 na magkomento sa proposal ng prosecutor.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na magsusumite ang Pilipinas ng komento sa ICC sa Sept. 8, 2022 o bago sumapit ito, ang deadline na itinakda ng tribunal.

“Compliance is not the term. We will furnish them the available information as a matter of comity,” pahayag ni Remulla.

Sinuportahan naman ni Solicitor General Menardo I. Guevarrang desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na tuluyan nang tumiwalag sa ICC.

“As chief architect of our foreign policy, it is PBBM’s (President Marcos Jr.) prerogative to determine what international organizations our country may join,” Guevarra, ayon sa chief lawyer ng pamahalaan.

“I suppose the President’s primary consideration is always in the best interests of our country, with utmost regard for our national sovereignty,” dagdag niya. RNT/SA