ICC probe sa Duterte drug war ‘di suportado ni NHA Carlos

ICC probe sa Duterte drug war ‘di suportado ni NHA Carlos

July 12, 2022 @ 11:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinatanggi ni National Security Adviser Prof. Clarita Carlos na sinusuportahan niya ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa ulat, muling ibinato kay Carlos ang tanong dalawang taon na ang nakalilipas kung saan ay mayroon itong malinaw na posisyon sa usapin.

“Very clear ang position ko niyan. ‘Yang ICC na yan bago sila maka-imbestiga, kailangan munang i-establish na there are not enough, adequate investigations being done on the domestic level,” aniya pa rin.

Sinabi ni Carlos na pilit na binubutasan ng mga tao ang kanyang naging pahayag at kinukuha lamang ang mga linya na kailangan ng mga ito upang gumawa ng isyu.

“Napagod na ako ng kaka-correct niyan,” aniya pa rin.

Aniya, ang mga taong ito ay halatang mayroong “selective perception and confirmation” na bias sa kanyang mga nagiging pahayag.

“Meaning, in an array of sentence that I’ve been articulated, over so many minutes then you only choose the ones that you want to shoot me down with,” aniya pa rin.

Sinabi pa nito na marapat lamang na pakinggan ng buo ng kanyang mga kritiko ang kanyang statements o kalatas upang makuha ang tunay na larawan ng usapin.

“Kaya nga ayaw ko ng recorded interviews kasi ang gagawin nila, i-splice lang nila yan tapos aalisin nila ang premises ko,” anito. Kris Jose