ICC probe sa PH war on drugs, ituloy-grupo

ICC probe sa PH war on drugs, ituloy-grupo

July 26, 2022 @ 10:07 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kanilang pagnanais ang mga pamilya ng biktima ng war on drugs ng nakalipas na administrasyon na ituloy ang imbestigasyon para sa pre-trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupong  Rise Up (For Life and for Rights) ang karamihan umano sa mga biktima ng war on drugs ay ang kanilang anak na katuwang sana sa pagtataguyod ng pamilya, mga ama at ina na naghahanapbuhay para sa pamilya.

Sa press statement sinabi ng grupong Rise Up na wala silang naasahang suporta o resulta sa ginawang imbestigasyon ng gobyerno o ng kinauukulan para sa mga mahal nila sa buhay na pinaslang. Kahit kailan hindi sila nakipag-usap o nagbigay ng mga detalye sa aming mga pamilya ng biktima para sa pag usad ng imbestigasyon kung meron man silang ginawa. Wala isa man sa aming pamilya na biktima ng war on drugs ang naging bahagi ng kanilang imbestigasyon.

Sinabi pa ng grupo na silang pamilya ng mga biktima ay nagpapatuloy sa pagsulong ng mga ebidensya at kasama na ang pagpirma sa victims participation and reparations section o VPRS ng ICC. Nagpahayag kami sa VPRS na nais namin na maimbestigahan ang mga malaganap na pagpaslang kaugnay ng war on drugs na polisiya ng nakalipas na administrasyon.

Ayon pa sa grupong Rise Up, hindi umano matatawag na mga gawa-gawang kuwento ang pagpaslang sa kanilang mga kaanak kaugnay ng war on drugs. Huwag nating kalimutan na ang mga taong pinaslang ay may karapatan na mabuhay at maipagtanggol ang sarili ng naayon sa proseso ng batas.

Kaugnay nito sinabi pa ng grupo na kinikilala nila ang International Criminal Court (ICC) na isang korte labas sa aming bayan upang marinig ang aming mga tinig at mabigyan kami ng pag asa na makakamit ang KATARUNGAN para sa aming mga mahal sa buhay.

Sinabi pa ng grupong Rise Up  na dapat mapanagot at maparusahan ang nakalipas na administrasyo at mga opisyal ng gobyerno na nagpatupad ng war on drugs. Ito ang patuloy na panawagan ng mga pamilya ng biktima upang makamit ang tunay na hustisya. Santi Celario