ICC probe sa war on drugs ni Duterte, tablado kay Bato

ICC probe sa war on drugs ni Duterte, tablado kay Bato

July 18, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinandigan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Martes ang posisyon na hindi lalahok sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ng Duterte administration.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng drug war ni Duterte, na mas gugustuhin niyang humarap sa local na korte hinggil sa naturang isyu.

Reaksiyon ito ni Dela Rosa matapos utusan ng ICC nitong Hulyo1 4 ang ilang biktima at opisyal ng pamahalaan na magbigay ng obserbasyon sa planong pagbubukas ng imbestigasyon hanggang September 8, 2022.

Iginiit ni Dela Rosa na insult ito sa justice system ng Pilipinas at panghihimaosk sa soberenya n g bansa kung papayagan ang ICC na pumasok at mag-imbestiga sa anti-illegal drug campaign.

“I’m the number two accused and gusto mo akong pumasok sa kanilang kagustuhan? Bakit ako magpa-under sa jurisdiction nila eh meron naman tayong Supreme Court dito na pwedeng mag-try sa ‘tin kung meron man tayong ginawang kalokohan? Bakit sila pa? Bakit ako haharap sa mga putik na ‘yan na hindi naman nila alam ang problema ng ating bansa at ginagawa ng ating gobyerno?” ayon kay Dela Rosa.

Pangunahin si Dela Rosa sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang bilang bahagi ng drug war ni dating Pangulong Duterte.

“Sila’y nakikinig lang sa mga biased na mga kalaban ng Duterte administration. In the first place they’ve already shown their bias. Meron tayong Korte dito. I am willing to face the Court basta Filipino-skinned yung judge na magta-try sa akin, huwag yung mga puti na hindi alam ang problema natin dito. Hindi tayo magpapaalipin sa mga banyaga,” aniya.

Base sa records ng pamahalaan, umabot sa 6,200 drug suspects ang napatay sa operasyon ng pulisya kabilang ang ilang inosenteng menor de edad tulad ni Kian Delos Santos na napatay sa C-3 Road, Caloocan City.

Ngunit, pinabulaanan ito ng ilang human rights groups na nagsasabing aabot sa 12,000 hanggang 30,000 ang drug suspects ang napatay. Ernie Reyes