ICC probe vs Duterte magpapataas sa foreign investment ng bansa- Lagman

ICC probe vs Duterte magpapataas sa foreign investment ng bansa- Lagman

February 21, 2023 @ 12:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Para kay Albay Rep Edcel Lagman makatutulong sa paglago ng foreign investment ng bansa ang pagpayag sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring extrajudicial killings sa termino nito.

Ayon kay Lagman hindi lamang ang pagbabago ng 1987 Constitution ang paraan para pumasok ang foreign investors sa bansa kundi dalawang bagay pa, una ay ang pagpapaimbestiga kay Duterte at ikalawa ay ang pagpapalaya na kay dating Sen Leila de Lima.

ā€œThere are two major acts of international consequence which the Marcos Jr. administration can undertake to greatly enhance the entry of foreign investments in the country without amending the economic provisions of the 1987 Constitution. First, allow the ICC prosecutors to resume the investigation of crimes against humanity which were committed by former President Rodrigo Duterte, second, order the public prosecutors to withdraw their feeble opposition to former Senator Leila de Lima’s petition for bail,ā€ paliwanag ni Lagman.

Ani Lagman hanggang sa may ganitong isyu na hindi nabibigyang pansin ay mayroong agam agam sa pamumuhunan sa bansa.

‘ the contumacious refusal of the Philippine government to submit to the clear jurisdiction of the ICC ā€œmakes the Philippines a renegade in the community of nations and deters foreign investors from coming in and the release of De Lima after almost six years of odious incarceration will bolster the government’s claim of adherence to human rights and the rule of law and will convince investors that they will have a safe haven in the country,ā€ pagtatapos pa nito. Gail Mendoza