ICC tinawag na ‘puting unggoy’ ni Jinggoy

ICC tinawag na ‘puting unggoy’ ni Jinggoy

February 23, 2023 @ 8:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines — Hayagang tinawag ni Sen. Jinggoy Estrada na mga “puting unggoy” ang mga tauhan ng International Criminal Court (ICC) na nagpaplanong ituloy ang imbestigasyon sa drug war  ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang komento ay kasabay ng pagbibigay-suporta ng senador sa privilege speech ng kanyang kasamahang si Senador Robinhood Padilla na humihingi ng suporta sa Senado para ipahayag ang pagkontro sa imbestigasyon ng ICC.

Giit din ni Estrada kapareho ni Padilla na gumagana ang justice system ng bansa at walang rason para manghimasok ang ICC.

Sabi ni Estrada, gumagana naman ang justice system sa bansa at walang rason para manghimasok pa ang mga dayuhan sa pag-iimbestiga sa sinasabing mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

“In our country, justice system is still very active and in fact, even the incumbent president of our country said the investigation would be an intrusion to our internal matters and a threat to our sovereignty… Itong mga puting unggoy na ito, hindi na dapat papasukin dito sa ating bansa because that would be an exercise in futility,” ani Estrada.

“I’m confident that the DOJ is not remised in its primary mission to uphold the rule of law. We should trust our justice system. Hindi tayo dapat magpa-uto, hindi tayo dapat sumunod kung ano mang instructions na ibibigay sa ating nitong mga dayuhang unggoy na ito,” dagdag pa ng senador. RNT