Ice, 16 years nang inaatake ng depresyon!

Ice, 16 years nang inaatake ng depresyon!

February 26, 2022 @ 9:00 AM 4 months ago


Manila, Philippines – “You just have to live with it,” ito ang namutawi sa bibig ni Ice Seguerra makaraang muling aminin na dumaraan siya sa anxiety.

Matatandaang October 2019 noong una niya itong aminin, pero this time around, his confession dwells on the fact na 16 taon na pala ito sa kanyang sistema.

As in he has been struggling with mental health issues up to this day.

Bagama’t hindi halata kung titingnan siya, may tips siya kung paanong labanan ang problemang ito.

“Seek professional help, talk to your family and friends, then you’ll know that life is worth the fight,” payo niya.

Maging matatag lang daw ang dumaranas nito, and that person will get over it.

Hindi naman eksaktong binanggit ni Ice kung ano ang nagti-trigger ng kanyang anxiety.

Dahil kung may kinalaman naman ‘yon sa asawang si Liza Dino ay mukhang wala naman. Ronnie Carrasco III