Ice, nag-throwback sa panloloko ng kamag-anak!

Ice, nag-throwback sa panloloko ng kamag-anak!

September 6, 2022 @ 12:46 PM 4 weeks ago


Sa isang interview ni Ice Seguerra, kinuwento niya na naubos ang savings niya nang dahil sa panggantso ng isang taong pinagkatiwalaan nila noon.

Nawala na lang na parang bula ang perang kinita at pinaghirapan niya noong kasagsagan ng kanyang career bilang child star.

Sabi ni Ice, “Walang savings. Naloko kami. Hindi kami naloko sa business. But there was a time noon na nagpa-renovate kami ng bahay. Nagantso kami ng isang tao na akala namin kamag-anak.

Patuloy niya, “We trusted this person so much. So we let the person handled the finances. Only to find out na nalimas na pala ‘yung pera sa bangko. So that happened.”

Hindi na raw nila nabawi pa ang pera.

“That time it was hard to recover na. I was a teenager so ‘yung mga napag-ipunan ko noong kabataan ko nadale. Noong teenager ako wala naman akong career but I never stopped working. Hindi nga ako nag-loveteam.

“It was a family thing na hindi naman kailangan i-broadcast pa. It’s in the past. While it was happening, it was one of my down moments.”

Nagtatrabaho naman daw that time ang daddy niya pero feeling niya ay siya ang may mas malaking ambag sa mga gastusin sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

“My dad was working naman pero feeling ko ako pa rin yung nagbibigay ng mas malaki. So I felt the responsibility kung paano ko siya mame-make both ends meet,” aniya pa. Rommel Placente