LRTA naghihintay ng badyet sa LRT2 extension patungong port area

March 29, 2023 @4:02 PM
Views: 0
MANILA, Philippines – Handa na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa konstruksyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) extension patungo sa port area ng Maynila.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano nila ang budget documents para sa P10.1 bilyon na proyekto.
Ani LRTA Administrator Hernando Cabrera sa panayam ng Laging Handa public briefing, bukas na ang ahensya sa bidding ng magiging contractor na interesado sa LRT-2 West Extension Project.
“Inaantay na lang natin ang approval ng ating budget. The moment na mabigay sa atin ‘yung tinatawag na MYOA o multi-year obiligation authoriy ipapa-bid natin kaagad ito kasi tapos na lahat ng plano nito, meron na tayong consultant nito at talagang hinahantay na lang ang papeles ng budget,” sinabi ni Cabrera.
Aniya, sa ilalim ng LRT-2 West Extension Project, madaragdagan ng limang kilometro ang linya ng tren mula sa dulo nito na Recto Station.
Planong madagdagan ito ng mga istasyon ng tren sa Tutuban, Divisoria at Pier 4.
“Ito ay para ma-capture naman natin ang mga mananakay na sumasakay ng mga inter-island ferries natin,” dagdag ni Cabrera.
Aniya, posibleng abutin ng tatlo hanggang apat na buwan ang bidding at ang pagkumpleto sa proyekto ay aabutin ng tatlong taon. RNT/JGC
Reporma sa real property valuation, mapabibilis sa LGU automation – solon

March 29, 2023 @3:49 PM
Views: 16
MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na angpanukalang pagreporma sa real property valuation ay inaasahang magpapabilis ng automation sa local government units (LGUs) sa buong bansa at magpapahusay ng pangongolekta ng buwis.
“Dahil ang direksyon ng kasalukuyang administrasyon ay pahusayin ang digitalization ng mga proseso sa gobyerno, naniniwala ako na ang panukala, kapag naging batas na, ay magbibigay daan para i-automate na ang lahat ng mga proseso ng government transactions kabilang ang pangongolekta ng buwis o kita ng gobyerno,” sabi ni Gatchalian sa isang technical working group ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan niya.
Sa kasalukuyan, halos 68% lamang ng mga LGU sa bansa ang nagpapatupad ng automation.
Mula sa bilang na ito, 729 LGUs lamang ang kasalukuyang dumadaan sa proseso ng real property assessment.
Ang natitirang 32%, na karamihan ay 5th at 6th-class municipalities, ay walang real property assessment-related system.
Ayon kay Gatchalian, ang full automation ng LGUs ay naaayon din sa local governance reform project ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagbibigay ng technical assistance sa mga LGU pagdating sa computerization, kabilang ang computer-aided mass appraisal na may geographical information system o GIS.
Hindi lamang nagiging mahusay ang serbisyo publiko sa pagpapasimple ng mga proseso sa gobyerno.
Ang automation ay nagbibigay-daan din sa mga lokal na pamahalaan na maging mas malapit sa kanilang mga nasasakupan sa gitna ng mabilis na digitalization ng ating pang-araw-araw na buhay,” diin niya.
Sa ilalim ng panukalang Real Property Valuation and Assessment Reform (RPVAR) Act, ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance (DOF) ay inaatasan na bumuo, magpatibay, at magpatupad ng pare-parehong pamantayan na gagamitin ng lahat ng mga appraiser at assessor sa mga LGU sa pagtatasa o appraisal ng mga lupa, gusali, makinarya, at iba pang real estate property para sa pagbubuwis.
“Inaasahan natin na mapapagtibay nito ang ating hangarin na mas maging episyente ang gobyerno sa pangongolekta ng buwis na hindi kinakailangang magtaas nito,” sinabi ni Gatchalian.
Isa sa mga priority bill ng administrasyong Marcos, ang naturang panukala ay inaasahan ding magpapaigting ng technical cooperation sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan, na inaasahang hahantong sa mas mahusay na paglulunsad ng mga proyektong pang-imprastraktura, at magdadagdag ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan at tiwala ng publiko.
“Nakita natin mula sa ating karanasan na kung automated na ang lahat ng proseso hanggang sa pagbabayad, makikita mo ang pagtaas ng koleksyon ng kita nang hindi naaapektuhan ang tax rates. Kaya sa tingin ko ay isang magandang pagkakataon sa pamamagitan ng batas na ito ang pag incentivize sa mga LGU na magpapatupad ng automation,” kwento niya ng kanyang naging karanasan bilang dating alkalde ng Valenzuela City. Ernie Reyes
Mga guro pinagbawalan sa extracurricular, volunteer work sa school hours

March 29, 2023 @3:36 PM
Views: 19
MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na hindi sila pinapayagang makilahok sa anumang volunteer work o extracurricular activities kasabay ng school hours.
Ito ay dahil maaapektuhan umano nito ang kanilang pangunahing trabaho at responsibilidad sa paaralan bilang guro.
Sa inilabas na Order No. 8 ng DepEd nitong Miyerkules, Marso 29, sinabi nito na may pagkakataon ang mga guro na tanggihan ang anumang imbitasyon sa community events o community service na walang kaugnayan sa pagtuturo o pag-aaral.
“The DepEd issues this order to empower our teachers and make it clear that they have the option to say no to invitations to community events and/or requests to render community service that are non-teaching or non-academic in nature regardless if these will be conducted outside school hours,” saad sa kautusan.
“Teachers are not allowed to engage in community service or extracurricular activities during school hours as these will impede the performance of their teaching work and responsibilities,” dagdag pa nito.
Sa kautusan, binanggit ng DepEd ang Republic Act No. 4670 o Magna Carta for Public School Teachers, na nagre-regulate sa work hours ng mga guro upang mabigyan sila ng sapat na panahon sa paghahanda ng mga ituturo sa mga estudyante.
Ayon sa ahensya, pinoprotektahan ng batas ang physical at mental health well-being ng mga guro.
“Easing the burden of the teachers will help in the improvement of the teacher education curriculum and will promote a more conducive learning environment,” sinabi pa ng DepEd. RNT/JGC
Ukraine kukuha ng Pinoy workers

March 29, 2023 @3:23 PM
Views: 26
MANILA, Philippines – Target ng Ukraine na kumuha ng mga Filipinong manggagawa upang tumulong na maibalik sa normal ang naturang bansa na dinurog ng giyera.
Ito ang sinabi ni Ukraine Embassy in Malaysia Counsellor Denys Mykhailiuk nitong Miyerkules, Marso 29, kung saan makikipag-usap sila sa pamahalaan para sa pagpapadala ng mga Filipino sa nasabing bansa.
“We will begin talks about the Filipinos’ labor to come because this reconstruction effort will need significant increase in labor,” sinabi ni Mykhailiuk sa mga mamamahayag.
“You know Ukraine, as majority of European states, is an aging country. This is not the situation here and hardworking Filipinos will be very welcomed there to benefit our growth and Filipino investors will be very much welcomed there,” dagdag niya.
Ayon kay Mykhailiuk, tinatayang nasa $1 trilyon ang kinakailangan nilang pondo para maibalik sa ayos ang Ukraine.
Inilunsad na rin aniya ang fast recovery plan sa rebuilding at reconstruction.
“We launched this effort to invite international donors and investments,” pahayag ni Mykhailiuk.
“We hope that the next decade, Ukraine will be the biggest construction site in Europe or maybe in the world. We will attract manpower. We will attract investments, and these investments are guaranteed not only by Ukrainian government, which might be risky, but also by international institutions,” pagpapatuloy niya.
Noong nakaraang taon, nawalan ang Ukraine ng 35% sa gross domestric product nito dahil sa giyera kung saan sinubukan sila ng Russia na sakupin, na nagsimula noong Pebrero 24, 2022. RNT/JGC
Castro pumalag kay VP Sara, isyu sa edukasyon inililihis ng DepEd!

March 29, 2023 @3:10 PM
Views: 28