Iconic na puno ni Ian Veneracion, unti-unti nang nasisira

Iconic na puno ni Ian Veneracion, unti-unti nang nasisira

August 2, 2018 @ 5:33 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang iconic na puno sa Marilaque Highway sa Tanay, Rizal.

Matapos kasing mag-trending ang pauso ng actor na pag-pose sa puno sa naturang highway, marami na ang dumayo rito para gayahin ang pose hanggang sa naging atraksiyon ito at tinaguriang ‘Puno ni Ian’.

Pero sa isang post sa Facebook page, makikita na ang dating ‘Instagrammable’ at kaakit-akit na puno ay bali na ang sanga at puno pa ng mga ukit o vandal.

Maraming netizen naman ang nalungkot para dito pero marami rin ang hindi naniniwala kung tunay nga ba ang litrato.

Bukod kasi sa mga nakakagimbal na pagbabago, tila lumiit pa ang puno at naging tuyo. (Remate News Team)