Ididiga ang climate change, rule of law, food security: PBBM, magsasalita sa UN General Assembly

Ididiga ang climate change, rule of law, food security: PBBM, magsasalita sa UN General Assembly

September 15, 2022 @ 7:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang lumipad sa susunod na linggo patungo sa Estado Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magpartisipa sa 77th United Nations General Assembly (UNGA).

Nakatakda ring magsalita ang Pangulo sa economic briefing.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nakatakdang umalis ang Pangulo patungong New York sa Setyembre 18.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakdang talakayin ni Pangulong Marcos ang food security, climate change at rule of law sa kanyang inihandang talumpati sa UN.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Kira Christianne Danganan-Azucena, ihahayag ng Punong Ehekutibo ang kanyang talumpati “at the high level general debate of the opening.”

“He’s speaking at approximately 3:15 in the afternoon of Day 1, that’s Tuesday, September 20, 2022,” ayon kay Azucena sa isang virtual presser.

“The theme of this year’s general debate is ‘A Watershed Moments: Transformative Solutions to Interlocking Challenges.’ We can expect the President’s statement to identify these challenges and solutions to address them, the role of the United Nations and how the Philippines intends to contribute to these efforts,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “The President’s statement will also articulate his administration’s priorities which include climate change, the rule of law, and food security.”

Tinatayang mahigit sa 152 heads of states at mga opisyal ang inaasahan na dadalo sa general debate, kung saan inaasahan na makikilala ng Pangulo at iba pang US officials.

Mahalaga ayon kay Azucena ang byaheng ito ng Punong Ehekutibo dahil ito ang kauna-unahang engagement ni Pangulong Marcos sa UN, kinukunsidera ng PIlipinas bilang “significant multilateral organization.”

Samantala, ayon naman kay Foreign Affairs Assistant Secretary JV Chan Gonzaga, ang byahe ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos ay naglalayon na magbitibit ng investments para sa economic recovery ng Pilipinas.

“Coming out of the COVID-19 pandemic and with much uncertainty and disruption around us, the President is not sparing any effort to address the economic challenges facing the country today,” ang pahayag ni Gonzaga.

“The President has made it very clear from the initial discussions preparatory to this trip to New York that it will be more than his debut on the world stage. He gave unequivocal instructions that his meetings, whether with fellow world leaders, or with US corporations, should focus on finding necessary partnerships or synergies that will benefit the Philippine economy and the Filipino people,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Gonzaga na nakatakdang magsalita si Pangulong Marcos sa economic briefing na naglalayong makaani ng pamumuhunan para sa Pilipinas.

“As such, the other most important speech that the President will deliver in New York, aside from his UNGA address, will be at the Philippine Economic Briefing (PEB). The PEB is expected to attract institutional investors, senior corporate executives, business analysts, and even academics, think tanks, and entrepreneurs,” ayon kay Gonzaga.

Inaasahan naman na magpapartisipa si Pangulong Marcos sa roundtables kasama ang mga targeted sectors, may ilang US companies, US Chamber of Commerce, US-ASEAN Business Council, at US-Philippines Society. Kris Jose