Idol Raffy, na-‘ghosting’ ng sikat na YouTuber!



Idol Raffy, na-‘ghosting’ ng sikat na YouTuber!

April 27, 2021 @ 8:16 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON CITY, Philippines – Kahit pala ang nangungunang public service idol ng bayan na si Raffy Tulfo ay nago-“ghost” din: iniiwan na nakanganga at walang pasintabi.

Gaya ng umano’y ginawa ni Gerald Anderson sa girlfriend niyang si Bea Alonzo: nagising na lang si Bea na kay Julia Barretto na nakikipagmabutihan ang kanyang dating bf (bagama’t ang tagal nya itong itinanggi).

Pero walang kinalaman sa pag-ibig ang “ghosting” na dinanas ni Raffy. Tungkol ito sa “collab” o “collaboration” para sa isang one-shot deal na vlog.

Kwento nya sa isang episode ng programang “Raffy Tulfo in Action”:

“Minsan may isang tao, gustong makipag-collab sa akin. Ilang beses ako kinontak para i-collab, then nagkaroon ako ng time.

“Sabi ko ‘Sige collab…’

“Dumating ‘yung time ng collaboration. Ako mauuna — nag-ready ako, gumawa ako ng malaking preparation and all, last-minute nag-text: ‘We’re very sorry, pack-up po ang shoot tomorrow because something came up.’”

Pagtapos nu’ n, wala na siyang narinig mula sa tao na ‘yon. Hindi hinanap at ‘di tinawagan nu’ng tao na ‘yun ang broadcaster.

Kaibigan pa rin naman ang turing n’ya sa tao na ‘yon. Gayunpaman, ikinwento n’ya ‘yon para magsilbing leksyon at eye-opener sa madla.

Saad n’ya: “Let’s value each other’s time.”

YouTuber ang personalidad na ‘yon na ang pangalan ay ‘di binanngit ni Raffy. Iginiit lang n’ya na “famous” ang YouTuber na ‘yon.

The gentleman that he is, nilinaw niya na ‘yon ay hindi isa man kina Alex Gonzaga, Willie Revillame, Ivana Alawi, Kris Aquino, at Sharon Cuneta. Danny Vibas


  •  
  •  
  •