Idol Raffy, tatanggap ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award sa PMPC!

Idol Raffy, tatanggap ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award sa PMPC!

January 18, 2023 @ 7:54 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Paniningningin muli ng Philippine Movie Press Club Inc (PMPC) ang magaganap na celebration ng Star Awards for Television sa ika-35 edisyon nito sa pamamagitan ng face to face awarding na gaganapin sa Ika-28 ng Enero, 2023, 6 PM sa Winford Manila Resort and Casino sa Maynila.

Bibigyan ng parangal ang former actress/TV host na si Ms. Connie Angeles ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Igagawad naman kay Senator Raffy Tulfo ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.

Kamakailan ay inilabas na rin ng PMPC ang mga nominado para sa Star Awards for Television.

Maglalaban para sa Best Drama Actress sina Erich Gonzales, Heaven Peralejo, Iza Calzado, Jodi Sta Maria, Lovi Poe, Maja Salvador, Sanya Lopez at Yam Concepcion.,

Sino naman kaya ang tatanghaling Best Drama Actor sa mga nominadong sina Carlo Aquino, Coco Martin, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, JC de Vera, Kelvin Miranda, Noel Comia, Jr, at Sam Milby,

Nominado naman sa Best Single Performance by an Actress sina Bianca Umali, Jennylyn Mercado, Kyline Alcantara, Jaclyn Jose, Jane de Leon, at Gelli de Belen.

Mahigpit namang maglalaban sa Best Single Performance by an Actor sina Arjo Atayde, Joshua Garcia, Mark Herras, Francis Magundayao. Martin del Rosario, Nash Aguas, Nonie Buencamino at Royce Cabrera.

Ang 25th Star Awards for Television ay sama-samang binuao  ng mga officers at member ng PMPC sa pangunguna ng pangulo nito na si Fernan de Guzman. Katuwang ng PMPC sa gaganaping awards night ang JAMSAP Entertainment Corporation nina Jojo Flores at Maricar Moina. Sa Ilalim ng direction ni Frank Lloyd Mamaril. Gerry Ocampo