Ifugao ibinaba sa Alert level 3  

Ifugao ibinaba sa Alert level 3  

January 31, 2022 @ 2:35 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na ibaba na sa Alert Level 3 ang lalawigan ng Ifugao.

Itoy matapos na itaas sa Alert Level 4 ang probinsya dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo nograles, epektibo ang Alert Level 3 sa Ifugao simula bukas Pebreo 1, hanggang Pebrero 15, 2022.

Samantala, sinabi rin ni Nograles na simula bukas, Pebrero 1 opisyal nang sinususpende ng Department of Transportation (DOTr) ang no vaccine no ride policy sa buong national capital region (NCR) kasunod ng pagsasailalim na sa alert level 2 ng Kalakhang Maynila hanggang sa kalagitnaan ng susunod na buwan. Kris Jose