Ifugao province binaha; 500 pamilya apektado

Ifugao province binaha; 500 pamilya apektado

July 8, 2022 @ 2:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 500 pamilya ang naapektuhan ng baha dahil sa malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Ifugao, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes.

Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng NDRRMC na ito ay katumbas ng humigit-kumulang 1,500 katao na naninirahan sa anim na baryo sa bayan ng Banaue.

Pansamantalang lumikas ang nasa 13 pamilya o humigit-kumulang 23 katao sa isang evacuation center.

Idinagdag din ng NDRRMC na tatlong kalsada sa ngayon ang hindi madaanan dahil sa pagbaha — Banaue -Mayoyao Alfonso Lista Isabela Boundary Road (Boundary Poitan, Banaue, Ifugao); Banaue-Hungduan Benguet Boundary Road (Barangays Poblacion at Gohang, Banaue) at Nueva Vizcaya Ifugao-Mount Province Boundary Road (Barangays Amganad, Tam-an, Poblacion at Viewpoint, Banaue).

Iniulat din ng ahensya ang isang nasirang bahay sa Banaue.

Ang Department of Social Welfare and Development ay nakapagbigay ng humigit-kumulang 500 family food packs na nagkakahalaga ng PHP339,375 sa mga apektadong residente. RNT