IHU, Deltacron wala pa sa Pinas – DOH

IHU, Deltacron wala pa sa Pinas – DOH

January 12, 2022 @ 8:01 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Wala pang nadidiskubre na lineage o variant tulad ng IHU, Delmicron o Deltacron sa Pilipinas ,ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na ang mga ito ay wala pang ibinibigay na classification o karagdagang ebidensya ng ating mga eksperto at World Health Organization (WHO) kaugnay dito.

Nilinaw din ni Vergeire na ang WHO lamang ang nagbibigay ng classification kung ang isang variant na nadiskubre ay ‘under investigation’ o ‘of concern’.

Ayon pa sa kanya, patuloy na binabantayan ng DOH sa pamamagitan ng bio survellaince effort ang anumang uri ng variant na pumapasok sa bansa.

Kaya aniya nagkakaroon ng purposive sampling dahil hindi lamang naka-focus sa kasalukuyang nga variant of concern o under investigation.

Pero kung sakaling may makita na variant at idedeklara o isusumite sa WHO na ito ay VOC o VOI , sinabi ni Vergeire na ito ay mamomonitor din.

Sinabi naman ni Dr. Edcel Salvana Ng Technical Advisory Group of experts na ang IHU ay variant under monitoring batay sa WHO.

Aniya, simula pa November ay wala pa namang masyadong ipinapakitang problema.

Ang Delmicron naman aniya ay kontrontrobersyal dahil ayon pa rin sa WHO , tila nakontamina ang ginawang sequencing kaya maari itong lab error base sa pag-analisa ng mga dalubhasa. Jocelyn Tabangcura-Domenden