Iisang travel protocol sa bansa ipatutupad: No quarantine, no travel authority, no health cert aprub!

Iisang travel protocol sa bansa ipatutupad: No quarantine, no travel authority, no health cert aprub!

February 27, 2021 @ 10:27 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ginawa nang iisa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ipatutupad na travel protocols ng local government units sa buong bansa.

Sa anunsyo ng Malakanyang ukol sa nasabing protocol ngayong Sabado, Pebrero 28, hindi na kinakailangang sumailalim sa COVID-19 testing ang mga byahero maliban na lamang kung ire-require ng LGU.

Ang nasabing test ay dapat RT-PCR lang, ayon pa kay presidential spokesperson Harry Roque sa naganap na briefing. Hindi na rin kailangan pang sumailalim sa quarantine ang mga byahero maliban na lang kung nagpapakita ito ng sintomas ng COVID-19 sa pagdating nito sa lugar.

“Authorities shall continue to strictly implement the minimum public health standards, such as physical distancing, hand hygiene, cough etiquette, and wearing of face masks and face shields across all settings,” paalala naman ni Roque.

“Clinical and exposure assessment shall be strictly implemented in all ports of entry and exit while health assessment of passengers, supervised by medical doctors, shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination,” dagdag pa niya.

Hindi na rin kailangan pa ang health certificates at travel authority na nauna nang kinakailangan sa pagbyahe. RNT


  •  
  •  
  •