Ika-10 taon ni Pope Francis ipinagdiwang

Ika-10 taon ni Pope Francis ipinagdiwang

March 12, 2023 @ 2:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagdiriwang ni Pope Francis ang 10 taon bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.

Noong Marso 13,2013 nagpakita siya sa balkonahe ng St Peter’s Basilica sa kanyang plain white papal robe, ang bagong halal na si Jorge Bergoglio ay agad na nagpakita ng imahe ng ibang uri ng papasiya.

Ang Papa ay planong repormahin ang pamamahala ng Simbahan na linisin ang madilim nitong pananalapi at ibaling ang pagtuon sa labas.

Bagama’t hindi siya lumihis sa ilang matatag na paniniwalang Katoliko — tinawag niyang kasalanan ang abortion murder at homosexuality — nagpakita siya ng mas mahabagin at hindi gaanong dogmatic approach kabilang ang pagkondena sa pag-uusig sa mga bakla.

“No more demonisation of homosexuality, debates on extramarital relations or the contraceptive pill… all that has been taken off the table,” binanggit ni Italian Vaticanist Marco Politi.

Nagbigay-diin si Francis sa katarungang panlipunan, inter-religious dialogue, kapaligiran at mga karapatan ng mga refugee.

Kasama sa reporma ng papa ang mga bagong obligasyon na iniulat ang child abuse ng mga Pari at pagtatakip nito sa iskansalo sa sekswal na pang-aabuso na yumanig sa Simbahan sa buong mundo.

Hinangad niyang bumuo ng mga alyansa sa buong mundo, lalo na sa pagitan ng Vatican at China, mga bansang Muslim at ng Russian Orthodox Church.

Gayunman, ang mga ugnayan ay naging mahirap dahil sa digmaan sa Ukraine habang kakaunti ang lumabas sa mga alok ni Francis para isulong ang kapayapaan sa pagitan ng Kyiv at Moscow.

Matatandaan din ng mga Katoliko sa buong mundo ang kanyang patnubay sa panahon ng coronovirus pandemic lalo na nang tumayo siyang mag-isa sa panahon ng unos sa St Peter’s Square noong Marso 2020, na hinihimok ang mga mananampalataya na pagaanin ang kanilang mga takot sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ngayon nahaharap sa matinding pagsalungat mula sa konserbatibonv alagad ng Simbahang Katoliko ang unang Latin American Pope .

Ang ilan sa mga ito ay napukaw ng pagkamatay ng dalawa sa mga nangungunang conservative figures sina — Benedict, noong Disyembre 31, at Australian Cardinal George Pell, noong Enero.

Maalala na sinabi ni Francis na susundin niya si Benedict sa pagbibitiw kung hindi na mangampanan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang kalusugan– ngunit sinabi rin niya na ang pagbibitiw ay hindi dapat maging karaniwan at wala sa kanyang agenda .

Gayunpaman, sa kanyang pagdiriwang , nagtalaga ng 65 porsiyento ng mga cardinal na balang araw ay maghahalal na kanyang kahalili.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)