Ika-117 founding anniversary ng Navotas, plantsado na

Ika-117 founding anniversary ng Navotas, plantsado na

January 9, 2023 @ 12:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghanda ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng iba’t ibang aktibidad sa paggunita ng ika-117 founding anniversary sa darating na Enero 16.

May tema ang Navotas Day celebration na “Angat All, Saya All sa Pakikipagkapwa,” na sisimulan ng isang Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristyano ngayong araw ng Lunes, January 9.

Bubuksan ang Kalye Fiesta, isang night market sa Navotas Citywalk and Amphitheater.

Gaganapin naman sa Enero 10, Martes ang Araw ng Mangingisda tampok ang boat racing o karera ng bangka at net mending, pamamahagi ng NavoBangka at awarding ng Top 10 Most Outstanding Fisherfolk.

Magbibigay rin ng pagkilala ang lungsod sa Top 20 Taxpayers in Business and Realty sa Enero 13.

Samantala, inanyayahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang lahat ng mga Navoteño na makiisa sa selebrasyon sa kabila ng ilang taon na pagsubok at nananatili ang pasasalamat sa mga biyaya, protekston at sa gabay ng Panginoon.

Kabilang din sa Navotas Day line up ang Zumba and Health Caravan para sa mga Lolo at Lola, Funbike at Funbikers’ Race at Open Air Martial Arts Exhibition at kabilang ang clean-up activity, pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga solo parents, mega job fair at financial literacy webinars.

Sa pagtatapos ng selebrasyon ang lungsod ay mamamahagi ng limang kilong bigas sa mga residente sa Enero 16 hanggang 21. R.A Marquez