Ika-121 anibersaryo ng PCG dinaluhan ni PBBM

Ika-121 anibersaryo ng PCG dinaluhan ni PBBM

October 19, 2022 @ 10:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagdiriwang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ika-121 anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong Miyerkules, Oktubre 19.

Dumating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siyang nanguna sa awarding ng mga outstanding PCG officers at personnel, saka nagbigay ng kanyang talumpati bilang guest of honor at speaker.

Sa nasabing selebrasyon, ibinahagi ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang mga nagawa at milestone ng organisasyon noong nakaraang taon at ang pangako ng Coast Guardians sa bansa at mamamayan nito.

Inilibot din ni Abu si Marcos sa BRP Gabriela Silang upang ipakita ang pinakabago at advanced na mga pasilidad at kagamitan ng barko.

Ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ay maaaring maghatid ng humigit-kumulang 500 katao sa isang byahe.

Ginagamit ng PCG ang nasabing barko para itaguyod ang maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue at marine environmental protection sa karagatan ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden