Ika-123 anibersaryo ng ‘Unang Republika ng Pilipinas’ ipinagdiwang sa Bulacan

Ika-123 anibersaryo ng ‘Unang Republika ng Pilipinas’ ipinagdiwang sa Bulacan

January 24, 2022 @ 8:36 AM 9 months ago


(Screengrab from Manny Balbin Facebook)

Pinangunahan ni Governor Daniel Fernando ang pag-alala sa ika-123 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang Barasoain Church nitong Linggo, Enero 23.

Pinangunahan ni Fernando ang flag-raising ceremony at wreath-laying activity sa monument ni Gen. Emilio Aguinaldo na may temang “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon”.

Giit ni Fernando na mahalaga na alalahanin ang kahalagahan ng pagdiriwang dahil nakakabait na ang pangalan ng Pilipinas sa kasaysayan bilang isang bans ana kaya ang kasarinlan.

“Ito ay hindi upang ipakita na memoryado natin ang aklat ng kasaysayan. Ang higit na mahalaga ay ang ipamulat sa ating henerasyon na taglay natin ang katatagan na nag-ugat sa mga aral ng nakaraan, at upang patunayan na marami tayong prinsipyong natutunan mula dito,” ani Fernando sa pagdiriwang.

Kasama ni Fernando sina Vice Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, National Historical Commission of the Philippines Representative Rosario V. Sapitan, Malolos Mayor Gilbert T. Gatchalian, Vice Mayor Noel G. Pineda, at acting Bulacan police director Col. Rommel J. Ochave.

Dahil naman sa health restriction, kakaonting tao lang ang nakadalo ng personal sa pagdiriwang pero isinagawa rin ito online sa official Facebook page ni Fernando. RNT