Ika-25 milyon sa populasyon ng Australia, inaabangan

Ika-25 milyon sa populasyon ng Australia, inaabangan

August 7, 2018 @ 4:26 PM 4 years ago


Australia – Inaabangan ng Australia ang isisilang na ika-25 milyon na dadagdag sa kanilang populasyon.

Ayon sa Australian Bureau of Statistics, mabilis ang paglobo ng populasyon ng estado at tinatayang nadadagdagan sila ng isang tao kada 83 segundo.

Usap-usapan na ngayon kung baby boy ba o baby girl ang isisilang na sanggol na magmamarka ng pagpalo ng kanilang populasyon sa 25 milyon.

Dagdag pa ng ahensya ng istatistika, tumaas ang populasyon ng 388,000 noong nakaraang taon at 60 porsiyento dito ay mga immigrants na may special skills at family visa.

Dahil dito, nagsimula nang pag-usapan sa pamahalaan ang problema at kung paano nila mahihikayat na lumipat ang ilan sa ibang parte ng estado para patuloy na maging balance ang kanilang bansa.

“There are some areas that are feeling population pressures but there are other regions in Australia that are actually crying out for more people,” ayon kay Citizenship Minister Alan Tudge.

“We need a better distribution of migration across Australia because nearly all the migration is going to Melbourne and Sydney at the moment” dagdag pa ng ministro. (Remate News Team)