Ika-3 most wanted person ng NPD nalambat ng Valenzuela Police

Ika-3 most wanted person ng NPD nalambat ng Valenzuela Police

March 20, 2022 @ 11:30 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng Valenzuela City Police ang ikatlong most wanted person ng Northern Police District.

Dinampot si Nelvin Aure, 29, ng Anville Subdivision, Barangay Maysan, Valenzuela City dakong alas-10:00 ng umaga sa Arnaiz St., Libertad, Pasay City noong Marso 16.

Sinakote si Aure sa bisa ng warrant na inisyu para sa kasong robbery ni Judge Emma Matammu ng Regional Trial Court Branch 269 ng Valenzuela City noong  Disyembre 20, 2021, kung saan P100,000 ang inirekomendang piyansa sa kanya.

Si Aure ay isa sa suspek sa panghoholdap sa isang industrial company sa Canumay West, Valenzuela, noong Disyembre.

May kabuuang P198,000 salapi na pampasweldo, at personal gadgets ang tinangay niya mula sa mga empleyado ng nasabing kumpanya. Merly Iral