Ika-3 nasawi sa Omicron variant naitala ng DOH

Ika-3 nasawi sa Omicron variant naitala ng DOH

January 26, 2022 @ 12:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikatlong nasawi  dahil sa Omicron variant.

“These three individuals na namatay po with Omicron, ‘yung isa po hanggang sa ngayon, we are verifying if vaccinated or not, but the other two were not vaccinated dito sa mga talaan natin,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

Naunang inireport ng DOH ang dalawang nasawi na Omicron carrier noong Enero 19.

Ang isa ay galing sa Metro Manila habang ang isa ay sa Central Luzon at kapwa higit 60-anyos, hindi bakunado, at may karamdaman.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon na inilalahad ang DOH tungkol sa bagong nasawi.

Samantala, pumalo naman na sa 535 ang kaso ng Omicron variant sa mga na-sequence na samples. RNT/FGDC