Ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ginunita

Ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ginunita

February 25, 2023 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang flag-raising at wreath-laying ceremonies sa People Power Monument para sa ika-37 anibersaryo ng People Power Revolution.

Kasama ni Belmonte ang mga kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines, Spirit of EDSA Foundation, national at local government agencies, military, civic, at religious sectors.

Simple lang ang naging seremonya matapos ang pag-aalay ng bulakpak sa Monumento kung saan nagpadala ng bulaklak si Pangulong Ferdinand Bong bong Marcos Jr.

Nagkaroon lamang ng sama-samang pag awit ng “Isang Lahi” at “Magkaisa” habang nagpakawala naman ng puting kalapati ang mga opisyal na dumalo.

Sa kabuuan, kulang 30 minuto lang ang itinakbo ng programa na nagtapos sa pagsasaboy ng mga confetti.

May tema ang EDSA 2023 na: Pagkakaisa Tungo sa Kapayapaan at Pagbangon. Jan Sinocruz