Ika-4 booster shot vs Omicron halos waepek

Ika-4 booster shot vs Omicron halos waepek

January 20, 2022 @ 6:44 AM 7 months ago


ISRAEL – Sinabi ng mga awtoridad sa bansang ito na halos walang epekto ang ikaapat na booster shot o bakuna laban sa Omicron variant.

Gumamit na umano ang mga doktor sa Sheba Hospital ng Pfizer at Moderna na mabisa laban sa COVID-19 subalit kakapiranggot umano ang epekto nito laban sa nasabing variant ng COVID-19.

Ayo sa ma doktor, tinurukan nila ng ikaapat na turok ang mga may Omicron variant na medical worker para malaman kung magkakaroon ang mga ito ng sapat na panlaban at pamigil sa impeksyon mula sa nasabing variant.

May 154 umano ang tinurukan ng Pfizer samantalang 120 ang naman ang sa Moderna.

Pero lumabas na “not good enough” ang resulta.

Magkagayunman, tinuturukan pa rin ang iba pang mga medical worker at iba pang mga mamamayan ng ikatlo o ikaapat na booster sa pagbabasakaling magkakaroon pa rin ng epekto laban sa Omicron variant.

May 80 porsyento na ang may doble bakuna at may 500,000 nang nakatanggap ng ikalawang booster shot mula sa siyam milyong mamamayan ng bansa. Fred Cabalbag