Ika-4 na kaso ng monkeypox natukoy ng DOH

Ika-4 na kaso ng monkeypox natukoy ng DOH

August 22, 2022 @ 7:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ika-apat na kaso ng Monkeypox sa bansa na isang 25-anyos na Filipino.

Ayon sa DOH, naka-isolate na ang pasyente na walang travel history sa anumang bansa na may mga kaso ng monkeypox.

Nasuri na positibo sa naturang virus ang pastsa pamamagitan ng real time Polymerase Chain Reaction or PCR ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at inilabas ang kanyang resulta noong Agoston 19, 2022. Siya ay inaalagaan at naka-admit sa isolation facility.

Ang intensive case investigation at contact tracing ay nagpapatuloy. Sa ngayon, 14 na close contact ang natukoy.

Isa ang kasalukuyang nag-aalaga sa pasyente sa isolation facility habang anim naman ang sumasailalim sa quarantine.

Ang isa ay isang healthcare worker na mayroong kumpletong personal protection equipment (PPE) sa oras ng konsultasyon ng kaso, tinasa bilang low risk, at ngayon ay nagself-monitor. Bine-verify ang mga detalye ng iba pang anim.

Hindi naman magkakaugnay ang apat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Ang unang kaso ay naka-recover na at na-discharge na mula sa isolation noong Agosto 6, 2022. Ang pangalawa at pangatlong kaso ay nasa home isolation pa rin at nasa stable na kondisyon. Walang natukoy na bagong contact ng mga kasong ito.

“Ating tandaan na magkaiba ang monkeypox at COVID-19. Ang monkeypox ay kumakalat kapag nadikit sa balat ng may sakit na ito na siyang nakikitaang may mga butlig, o kaya sa kagamitan na nahawakan ng may sakit. Kung nakararanas ng lagnat, pamamaga ng kulani, at mga butlig sa balat, agad na kumonsulta sa pagamutan (Let us remember that Monkeypox is different from COVID-19,” sabi ni Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, DOH officer-in-charge. Jocelyn Tabangcura-Domenden