Ika-5 anibersaryo ng Marawi liberation ginunita ng Army

Ika-5 anibersaryo ng Marawi liberation ginunita ng Army

October 16, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ginunita ng Philippine Army ang ika-limang anibersaryo ng paglaya ng Marawi City mula sa pagkakasakop ng ISIS-inspired na Maute Group.

Ito ay sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad katulad ng mga exhibit at dokumentaryo na binuksan sa publiko kahapon, Oktubre 15 at magtatagal hanggang ngayong araw ng Linggo.

“Philippine Army major units that played crucial roles in liberating Marawi will mount an exhibit immortalizing their dedication to [defeating] the ISIS-inspired terrorists,” anang Army sa kanilang pahayag.

“The five-month-long Marawi campaign will also be showcased as one of the Army’s greatest heritages at the PA Museum. Marawi memorabilia, recovered items, and equipment will also be exhibited at the Philippine Army Officers’ Pavilion, while Marawi documentaries will be shown at the Philippine Army Officers’ Clubhouse,” dagdag pa.

Kasama ang Civil-Military Operations Regiment, Lanao del Norte-based 55th Engineer Brigade, Army Artillery Regiment, Armor Division, Light Reaction Regiment, Special Forces Regiment (Airborne), at ang First Scout Ranger Regiment, naglagay sila ng mga booths sa Hunters ROTC Parade Grounds upang ipakita ang kanilang kontribusyon sa paglaya ng naturang lungsod.

Bukas naman, Oktubre 17 ay magkakaroon ng wreath-laying ceremony ang Philippine Army sa Marawi Pylon na matatagpuan sa Libingan ng mga Bayani kasunod ng salo-salo kasama ang mga opisyal at mga sundalo na nakatuwang sa paglaban sa Marawi.

“The series of events will immortalize the sacrifices of soldiers and law enforcers in the liberation of Marawi City while simultaneously highlighting the city’s journey [to] peace, development, and rehabilitation,” sinabi ni Army Commanding General Lieutenant General Romeo Brawner Jr.

Matatandaan na noong Oktubre 17, 2017 makalipas ang limang taon ng pakikibaka ay nakalaya na ang Marawi mula sa mga terorista na nagdulot ng pagkasawi ng higit 1,000 katao at sumira ng tirahan ng libo-libong residente.

Sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maglalaan naman ito ng P1-bilyon pondo sa susunod na taon bilang tulong sa mga biktima at residenteng nawalan ng tirahan dahil sa Marawi siege. RNT/JGC