Ika-69 Malasakit Center binuksan sa Talisay; Kampanya vs. COVID-19 mas palakasin

Ika-69 Malasakit Center binuksan sa Talisay; Kampanya vs. COVID-19 mas palakasin

March 6, 2020 @ 8:40 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Cebu – Sinaksihan ni Senador Bong Go, araw ng Biyernes, Marso 6, sa pagbubukas ng 69th Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa Talisay District Hospital, isang DOH-operated hospital sa Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu.

 

Sa isang panayam matapos ang paglulunsad ng bagong Malasakit Center ay sinabi ni Go na kinuha niya ang oagkakataon na payuhan ang mga filipino na huwag mag-panic sa coronavirus disease (COVID-19) at sa halip ay makipagtulungan sa pamahalaan sa pagsisikap na matugunan ang COVID-19 situation sa pamamagitan ng malakas at mas maraming proactive measures para maiwasan ang paglaganap ng virus.

 

“Dapat laging handa tayo. Dapat ang gobyerno one step ahead. Maging proactive tayo. Dapat handa tayo kung sakaling kumalat iyang COVID,” ani Go.

 

 

Hinikayat naman ni Go ang mga opisyal na gumamit ng “stronger and more proactive measures” para labanan ang paglaganap ng covid 19.

 

Pinayuhan din niya iyong mga nakararanas na ng flu-like symptoms na kaahad na magpunta sa malapit na ospital at magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng tamang medical attention at maiwasan ang higit pang paglaganap ng nasabing sakit.

 

Maaari aniyang makahingi ng tulong ang mga ito mula sa Malasakit Centers para sa kanilang hospital bills.

 

“It was announced by the Department of Health (DOH) na merong local case ng COVID-19. Huwag tayo magpanic. Let’s move forward and be one step ahead always. Magtulungan tayo. ‘Wag magspread ng fake news. Sundin natin ang mga advisories mula sa ating health officials,” ayon kay Go.

 

At kung kinakailangan aniya ay irerekumenda niya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumuo ng crisis committee para mabigyan ng kapangyarihan ang DOH at local government units (LGUs) na labanan ang ang paglaganap ng naturang sakit.

 

“Ayaw natin itong kumalat pa. If needed, I will recommend to the President na mag-form ng crisis committee to empower the DOH and LGUs para mas lalong mabantayan ang pagkalat ng coronavirus,” ayon kay Go.

 

Aniy, bilang mambabatas at chairman ng Senate Committee on Health and Demography ay tinutulungan niya ang mga health officials na malampasan ang situwasyong ito.

 

“I am sure ginagawa ng health officials ang kanilang trabaho… I am asking health officials to update the public from time to time. Sa publiko, sundin natin ang mga precautionary measures, tulad ng paghugas ng kamay, pagsuot ng face mask kung may sakit na nakakahawa, at magself-quarantine kung kailangan,” dagdag na pahayag ni Go.

 

Samantala, dinaluhan naman ni Go ang oaglulunsad ng pang-17 Malasakit Center sa Visayas.

 

Layunin nito na i-streamline ang probisyon ng government medical at financial assistances, ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa indigent at financially incapacitated patients kung saan ang mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan na may assistance programs ay nasa iisang bubong na lamang.

 

“Noon, kailangan pa ninyong pumila sa iba’t ibang opisina ng gobyerno para lamang sa financial assistance. Ubos na ang panahon ninyo, ubos pa ang pamasahe ninyo. Ngayon dahil may Malasakit Center dito sa DOH-Talisay District Hospital, magtutulungan ang mga ahensiya ng gobyerno para i-cover ang hospital expenses ninyo,” ang pahayag ni Go sa kanyang naging talumpati sa launching ceremony.

 

Ang mga ahensiyang ito ay ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

“Zero balance po ang target ng Malasakit Center,” paliwanag ni Go.

 

Sakop ng tanggapan ang patient services at gastusin gaya ng laboratories, medicines, surgeries o operations, maliban sa professional fees at private room accommodation.

 

Ang proseso ng paghingi ng tulong ay pinasimple sa pamamagitan ng Malasakit Unified Form, na ang ibig sabihin ay mayroong isang form lamang na ipi-fill up para sa filipino na magre- request ng medical assistance.

 

“Sisiguraduhin natin na hindi bungi bungi ang serbisyo ng gobyerno. Hindi na po kailangan pumunta sa iba’t ibang opisina. Sa Malasakit Center, iisang kwarto nalang po pupuntahan para makahingi ng tulong mula sa gobyerno,” paliwanag ni Go.

 

“Basta Pilipino ka, pwede kang makakuha ng tulong sa Malasakit Center,” dagdag na pahayag ni Go.

 

Sa isinagawa pa ring paglulunsad, sinabihan ni Go ang mga pasyente na huwag siyang pasalamatan oara sa bagong bukas na Malasakit Center sa ospital.

 

Binigyang- diin ni Go na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang senador at isang public servant.

 

“Huwag po kayong magpalasamat sa amin. Trabaho po namin ‘yan. Dinadala lamang po namin ang serbisyong para sa inyo,” ayon kay Go sa launching ceremony.

 

Inulit naman ni Go ang kanyang commitment na pagsilbihan ang sambayanang filipino bilang senador, tiniyak ni Go na mararamdaman ng lahat ang positibong pagbabago na mangyayari sa bansa sa pamamagitan ng pagsisikap ng Duterte Administration.

 

“Para po sa poor at indigent patients ang mga Malasakit Centers. Ang priority natin dito ay ang mga mahihirap na Pilipino. Sama-sama po rito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matulungan kayo,” ayon kay Go sabay sabing sa pagsisilbi sa mga Filipino, ay kailangan na walang maiwan.

 

At sa pagtatapos ng kanyang mensahe ay sinabi ni Go na hindi niya masikmura na nakaupo lamang sa Senado habang ang kanyang kapuwa Filipino sa buong bansa ay nangangailangan ng tulong at ayuda.

 

Mas gugustuhin aniya niya na direktang puntahan ang mga mamamayan at pakinggan ang kanilang mga hinaing sa halip na hintayin ang mga ito na lumapit sa kanya.

 

“Kahit saang sulok po ng Pilipinas, pupuntahan ko po kayo. Hindi naman po lahat ng Pilipino, makakapunta sa Senado. Kaya ako na po ang bababa sa inyo,” ayon kay Go.

 

Matapos ang paglulunsad ng Malasakit Center ay sinaksihan naman nito sa kapareho ring araw ang paglulunsad naman ng dalawa pang Malasakit Centers kung saan ang isa ay sa Lapu-Lapu City habang ang isa naman ay sa Cebu City.

 

Sa ngayon, 71 Malasakit Centers na ang kabuuang bilang na naitatag sa buong bansa.

 

Nakatakda namang bisitahin ni Go ang mga nasunugan sa Mandaue City. Kris Jose


  •  
  •  
  •