Ika-69 na pumping station, pinasinayaan sa Navotas

Ika-69 na pumping station, pinasinayaan sa Navotas

September 2, 2022 @ 12:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang isinagawang blessing at inauguration ng ika-69 na bombastik station sa Navotas at C4 Road, Brgy. Bagumbayan South (BBS).

Sinabi ni Mayor Tiangco na magtatayo pa ang lungsod ng mga karagdagang pumping stations upang mapalakas ang flood control at mapagaan ang sistema habang pinaalalahanan rin nito ang mga residente na maging maayos sa pagtatapon ng basura at hindi kung saan-saan lamang itatapon ang basura.

“Make proper waste disposal a habit. Practice segregation and take out your trash only when our garbage trucks are already in your area. This will help prevent garbage from being scattered and from going into our canals,” ani Tiangco.

“Our bombastik stations can only function effectively if our canals and drainages are free of trash or debris. Let us do our part in keeping our environment clean and making sure that Navotas is safe from flooding,” dagdag pa ng alkalde.

Meron ang BBS (C4) ng 3 pumping station features ng axial flow submersible engine na kayang bombahin 0.60 cubic meters ng water kada segundo at patuloy at maayos na gagana kahit na may matinding pagbaha, bagyo at high tides.

Samantala, 505 na mga estudyante ng Navotas Polytechnic College nagtapos sa lungsod.

Inanunsyo ni Mayor John Rey Tiangco na ang mga nagsipagtapos ay makakatanggap ng P1,500 graduation incentive mula sa pamahalaang lungsod habang hintayin lamang kung kailan ang tamang schedule ng pamamahagi nito.

Habang pinaalalahanan naman ni Congressman Toby Tiangco ang mga nagsipagtapos na tuloy-tuloy na matuto ng iba’t-ibang kaalaman at kasanayan dahil magbubukas ito ng mas maraming oportunidad sa kanila. R.A Marquez