Ika-78 anibersaryo ng Battle of Surigao Strait inalala

Ika-78 anibersaryo ng Battle of Surigao Strait inalala

October 25, 2022 @ 7:53 AM 1 month ago


SURIGAO – Ang pamahalaang lungsod dito at ang pamahalaan ng Japan ay nagbigay galang sa mga sundalong Hapones na nasawi sa Battle of Surigao Strait sa isang seremonya dito noong Lunes.

Pinangunahan nina Mayor Pablo Yves Dumlao at Commander Sekine Takeharu, ang Vice Defense Attaché ng Embahada ng Japan sa Pilipinas ang isinagawang candle lighting at wreath-laying ceremony sa Japanese Cremation Site sa loob ng Surigao del Norte National High School (SDNNHS) ground.

Ang nasabing seremonya ay ang ika-78 taong anibersaryo ng Battle of Surigao Strait na naganap noong Oktubre 25, 1944, kung saan 500 sundalong Hapones at tauhan ng Navy ang napatay sa sunud-sunod na pagsalakay sa Surigao City. RNT