Ika-99 blood facility, inilunsad ng Red Cross sa Nova

Ika-99 blood facility, inilunsad ng Red Cross sa Nova

February 3, 2022 @ 6:46 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang bagong Blood Facility ng PRC Quezon City Novaliches Branch.

“Hindi tumitigil ang pangangailangan ng dugo”, pag-uulit ni  Philippine Red Cross (PRC) Chairman and CEO Senator Dick Gordon.

Ayon sa PRC Quezon City, may kakayahang mag-cater ang bagong pasilidad ay may  kakayahang mag-cater  sa pangangailangan dugo ng 14 barangays sa Novaliches.

Target naman itong isagawa sa mga sumusunod na barangays:

  • North Fairview,

  • Bagbag,

  • Gulod,

  • Sta Lucia,

  • Nova Proper,

  • Capri,

  • Fairview Proper,

  • Lagro,

  • Nagkaisang Nayon,

  • San Agustin,

  • Kaligayahan,

  • Sta Monica,

  • San Bartolome, at

  • Pasong Putik.

Ayon sa PRC, aabot sa 30 hanggang 50 donors kada araw ang maaring ma-accomodate  sa Blood Facility.

Ang PRC ay ang national provider para sa 50 porsyentong suplay ng dugo sa bansa.

Dumalo sa pagbubukas ng Bagong Blood Facility sina  PRC QC Chairman Gov Ernesto Isla, Dir. Lydia Pedernal, Dir. Fernando Delgra Jr., PRC QC Novaliches Branch Council Chairman PM Vargas, Cong. Alfred Vargas, Councilor Ram Medalla, Capt. Jonel Quebal and his Council of Barangay Fairview, PRC QC Nova Branch Council Member Engr. Bernie Dagdagan, and Member Mark Anthony Peralta.

Nanawagan naman si Gordon sa mga tao na makipag-ugnayan lamang sa alin man sa 104 Red Cross chapters at  99 blood service facilities, at kontakin ang hotline 143 para sa urgent blood concerns .

“Magbigay ng dugo at tumulong magligtas ng buhay,” ani  Gordon. Jocelyn Tabangcura-Domenden