Ikaapat na ‘unqualified opinion’ ibinigay ng COA sa OVP

Ikaapat na ‘unqualified opinion’ ibinigay ng COA sa OVP

June 29, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa ikaapat na sunod na taon ay nakakuha ang Office of the Vice President (OVP), sa pamumuno ni outgoing Vice President Leni Robredo, ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit (COA).

“What a fitting exclamation point to our 6 years at the OVP,” tweet ni Robredo.

Ang “unqualified opinion,” ay ang pinakamataas na rating na maaaring makuha ng mga ahensya ng gobyerno mula sa COA.

Matatandaang ang OVP rin ang kauna-unahang nakatanggap ng pinakamataas na audit rating noong 2018, isang taon matapos itong punahin ng state auditor dahil sa delay na pag-liquidate ng travel expenses.

Samantala, isang araw bago bumaba sa puwesto ay nilisan na kanina ni Robredo ang Quezon City Reception House kung saan siya nag-opisina sa loob ng anim na taon. RNT/ JCM