Ikalawang anak nina Prince Harry at Meghan, isinilang na

Ikalawang anak nina Prince Harry at Meghan, isinilang na

June 7, 2021 @ 9:09 AM 2 years ago


LONDON – Isinilang na ang ikalawang anak nina Prince Harry at Duchess of Sussex, Meghan.

“On June 4th, we were blessed with the arrival of our daughter, Lili. She is more than we could have ever imagined, and we remain grateful for the love and prayers we’ve felt from across the globe,” ayon sa inilabas na pahayag nina Prince Harry at Meghan.

Pinangalanan nila itong Lilibet ‘Lili’ Diana Mountbatten-Windsor na isinilang sa Santa Barbara Cottage Hospital sa California,

Tutok naman si Harry sa panganganak ni Meghan at nasa tabi niya ito sa ospital.

Ang “Lilibet” ay ang palayaw ng reyna noong bata pa ito.

 Matatandaan na noong 2019 isinilang ang unang anak ng dalawa na si Archie.

Binati naman nina Prince William at Catherine, Duchess of Cambridge, sina Prince Harry, Meghan at Archie.

“We are all delighted by the happy news of the arrival of baby Lili. Congratulations to Harry, Meghan and Archie,” saad sa tweet. RNT