Ikalawang Cabinet meeting ng Marcos admin umarangkada 

Ikalawang Cabinet meeting ng Marcos admin umarangkada 

July 12, 2022 @ 4:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.

HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa  Presidential Guest House  dahil patuloy siyang nasa isolation  matapos na magpositibo sa COVID-19 testing  noong nakaraang linggo.

Bumuti naman ang kalusugan ng Pangulo at siya ay “is on his way to a complete recovery,” ayon sa doktor nito, araw ng Lunes.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naging paksa na tinalakay sa meeting na nagsimula alas-9 ng umaga ay ang “2023 national budget, “Build, Build, Build” at ang infrastructure convergence programs, at maging angpriority transportation programs and projects.”

Ang inisyal na plano ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay napag-usapan din.

Matatandaang, nagsagawa ng kanyang unang Cabinet meeting si Pangulong Marcos noong Hulyo 5. Kris Jose