Ikalawang cube satellite sa kalawakan inilunsad ng Pinas

Ikalawang cube satellite sa kalawakan inilunsad ng Pinas

February 21, 2021 @ 4:55 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilunsad ng Pilipinas ang ikalawa nitong cube satellite sa International Space Station lulan ng S.S. Katherine Johnson Cynus spacecraft.

Kasama ng Maya-2 ang dalawa pang cube satellites mula sa Japan at Paraguay.

Dinesenyo ito ng mga iskolar na Filipino na kumukuha ng doctoral degree sa Kyutech Institute of Technology sa Japan.

Pinadala ito sa pamamagitan ng Space Technology and Applications Mastery, Innovation and Advancement (STAMINA4Space) Program ng Department of Science and Technology.

Ayon sa DOST, ang Maya-2 ay “a technology demonstration and educational platform geared to collect data remotely by Store-and-Forward Mechanism.”

May bigat itong 1.3 kilogram na may camera upang makakuha ng larawan at video.

“To do something for the first time is great, but to be able to do it again and innovate is greater. We take pride in the launch of Maya-2, the successor to Maya-1 and the Philippines’ latest milestone in creating value in space for and from Filipinos and for the world,” pahayag ni Philippine Space Agency Director General Joel Marciano Jr.

Wala pa namang petsa kung kailan ipapadala ang Maya-2 sa orbit.

Ngunit ayon kay STAMINA4Space Program Leader Dr. Maricor Soriano na ang paglulunsad nito sa kalawakan ay pinaiigting ang pangako ng bansa na manatilihin ang local cube satellites research sa kabila ng pandemya.

“More than the product, sustaining local cubesat research and development potentially leads to a systems engineering mindset among our researchers, local partners that can co-develop our space industry, and enhanced Science Technology and Engineering curricula in K-12 and higher education,” saad ni Soriano.

Ayon naman kay Maya-2 engineer Mark Angelo Purio na hindi madali ang pagbuo sa satellite sa gitna ng pandemya na sinimulan noong 2018.

“Not being able to gather physically also add to the challenges we faced during the final stages of the project as most of the work such as troubleshooting and finalizing software and satellite assembly were done with less people from the team,” lahad naman ni Purio.

Ang Maya-1 ay ipinadala sa kalawakan noong Hunyo 2018 at bumalik sa mundo nitong Disyembre 2020.

Naglunsad din ng dalawang microsatellites ang bansa, ang Diwata-1 noong 2016 at Diwata-2 noong 2018.

Winasak na ang Diwata-1 habang ang Diwata-2 ay nananatili sa kalawakan. RNT/ELM


  •  
  •  
  •