Ikalawang Pinay na ‘di nag-quarantine ‘no-show’ sa hotel; dumiretso sa condo – DILG  

Ikalawang Pinay na ‘di nag-quarantine ‘no-show’ sa hotel; dumiretso sa condo – DILG  

January 4, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang isang pang balikbayan na hindi nag-quarantine sa nakatakdang hotel.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, dumating ang overseas Filipino noong Disyembre 22 at dapat mananatili sa Seda Residences sa Makati City para sa mandatoryong quarantine.

“Pero instead na mag-check-in doon, nagpahatid lang doon siya sa hotel, I mean sa Seda pero meron na palang nag-aabang na sasakyan doon at diniretso siya sa kanyang condo dito sa BGC.”

“So no-show siya dito sa ano, sa Seda at kine-claim niya na meron siyang (Bureau of Quarantine) exemption for quarantine, which the BOQ denied. Wala naman siyang quarantine exemption, atsaka all throughout, hindi na siya talaga nagpakita doon sa kanyang quarantine hotel, but instead doon pa siya nagpaswab sa kanyang condo,” kwento pa nito.

“At ang masaklap dito ano, pino-post pa niya, pinagyayabang pa niya na ang kanyang quarantine ay isang araw lang at–actually wala na nga kasi exempted daw siya. So ito ay iimbestigahan natin.”

Paliwanag ni Año, obligado ang mga hotel na ireport ang kahit anong kaso ng returning overseas Filipinos na hindi sumipot para sa kanilang mandatory quarantine.

“Required or mandated ang ating mga hotel na magreport kung ano yung—kapagka nag-check-in ay i-report din nila, at lalo na ito no, no-show ito.” RNT/FGDC