Ikatlong batch ng solo parents, tumanggap ng cash aid sa Navotas

Ikatlong batch ng solo parents, tumanggap ng cash aid sa Navotas

July 21, 2022 @ 3:37 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Namahagi muli ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas nang financial assistance sa ikatlong batch ng mga kwalipikadong solo parents.

Tumanggap ang nasa 230 Navoteños ng P2,000 sa pamamagitan ng Saya All, Angat All Tulong Pinansyal para sa mga rehistradong solo parents, isa sa mga programa ng lungsod na pandemic recovery programs sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Fund.

“We recognize the hardships Navoteño solo parents face and we hope to offer them a means to provide for their families even through these challenging times,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Ang nasabing programa ay tuloy-tuloy sa loob ng buong taon at target nitong makapagbigay ng cash aid sa 1,500 solo parents sa lungsod.

Upang matanggap sa nasabing programa, kailangan na mag-apply o mag-renew ng kanilang solo parent identification cards at dumaan sa validation ng City Social Welfare and Development Office.

Magbibigay rin ang Navotas ng P1,000 educational assistance sa solo parents every school year base sa ipinatupad na City Ordinance No. 2019-17.

Si Tiangco ay nagsilbi bilang kinatawan ng Navotas sa 17th Congress at co-authored ng House Bill 8097 kasama ng Senate Bill 1411 ay pinagsama-sama sa Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Nagbigay ng karagdagan benepisyo ang RA 11861 sa mga solo parents, kabilang ang P1,000 monthly subsidy, 10% discount at VAT exemption, 7-day parental leave with pay, priority in scholarship programs and grants, automatic Philhealth coverage at iba pa. R.A Marquez