Ikatlong suspek sa Salamida slay, tinutugis na

Ikatlong suspek sa Salamida slay, tinutugis na

September 10, 2021 @ 10:36 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Tinutugis na ng pulisya ang posibleng ikatlong suspek sa pagpatay sa dating tabloid editor Gwenn Salamida sa Quezon City noong Agosto.

Ito ang isiniwalat ng isang police official na ayaw magpakilala na hindi na rin nagbigay ng karagdagan pang detalye para hindi makaapekto sa ikinakasang operasyon.

Ayon sa opisyal na ito na ang pangatlong suspek ay ininguso umano ng nauna nang naarestong dalawang suspek sa krimen na kinilalang sina Nilo Anub at Richard Alaba.

Biyernes, Setyembre 3, pa nang maaresto ang dalawa sa Barangay Commonwealth, pero nitong Huwebes, Setyembre 9 lang isinapubliko.

Nang masawata ang dalawang suspek ay nahulihan ang mga ito ng .38-caliber handgun, Granada, at dalawang M203 ammunition. RNT


  •  
  •  
  •