Ilan pang Comelec commissioners aprub na sa CA panel

Ilan pang Comelec commissioners aprub na sa CA panel

December 14, 2022 @ 4:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ngayong Miyerkules, Disyembre 14 ang mga appointment nina Commissioner Nelson J. Celis at Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda, Jr., ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco.

Sinabi ni Laudiangco na pinal ng nakatanggap ng approval nod sina Commissioner Celus at Commissioner Maceda ngayong hapon sa ginanap na pormal na kumpirmasyon sa plenary session ng Commission on Appointments.

Nangangahulugan na ang kanilang mga ad interim appointment bilang mga komisyoner ng Commission on Elections (COMELEC) ay kumpirmado at permanente na.

Sina Commissioner Celis at Commissioner Maceda ay dalawa sa tatlong appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kasama ni Comelec Chairman George Erwin M. Garcia.

Dahil sa kanilang kumpirmasyon ng mga appointment, tuluyan nang nakumpleto ang pitong (7) miyembro ng Comelec En Banc, na kinabibilangan din nina Commissioner Socorro B. Inting, Commissioner Marlon S. Casquejo, Commissioner Aimee P. Ferolino at Commissioner Rey E. Bulay.

Sina Commissioner Celis at Commissioner Maceda ay magsisilbi hanggang ika-2 ng Pebrero taong 2029. Jocelyn Tabangcura-Domenden