Ilan pang grade levels lalahok sa pinalawig na in-person classes – DepEd

Ilan pang grade levels lalahok sa pinalawig na in-person classes – DepEd

January 19, 2022 @ 2:59 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Makikilahok ang mas marami pang grade levels sa pagsasagawa ng pinalawig na face-to-face classes sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa  Department of Education.

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na sa kasalukuyan, tanging Kindergarten hanggang Grade 3 at  Senior High School students lamang ang pinapayagan sa pilot run.

“Ibubukas na ito sa more grade levels.”

Inirekomenda naman ng DepEd ang progressive expansion ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2.

Sa datos sa isinagawang pilot face-to-face classes mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 20 noong 2021, 287 public at private schools ang nakiisa sa buong bansa.

“There was no recorded confirmed COVID-19 case among the 15,683 learners who participated in the pilot implementation of limited face-to-face classes,” dagdag pa ng DepEd. RNT/FGDC