Ilan pang lungsod sa NCR, nagdeklara ng ‘special non-working holiday’ bukas

Ilan pang lungsod sa NCR, nagdeklara ng ‘special non-working holiday’ bukas

June 29, 2022 @ 4:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagdeklara na rin ng special non-working holiday ang ilan pang lungsod sa National Capital Region kaugnay ng inagurasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bukas.

Bukod sa lungsod ng Maynila, sumunod na rin ang San Juan, Navotas at Pasay.

Nilagdaan ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang Executive Order No. 38 na nagdedeklara bukas, June 30, 2022 bilang special non-working holiday upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lungsod sa harap ng pagsasara ng mga kalsada at inaasahang mga kilos-protesta sa inagurasyon ni Marcos.

Gayunman, mananatili aniyang bukas ang Pasay City Treasurer’s Office mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para tumanggap ng bayad para sa huling araw ng tax amnesty.

Samantala, naglabas din si San Juan City Mayor Francis Zamora ng Executive Order No. 125 para sa kaparehong dahilan gayundin si Navotas City Mayor Toby Tiangco na naglabas ng Executive Order No. 67. RNT/ JCM